^

PSN Palaro

Open Conference buwenamano sa SVL Season 12 sa Abr. 6

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mas pinalaking Shakey’s V-League ang bubungad sa paglarga ng ika-12 taon ng liga.

Walong koponan sa kababaihan at walong koponan sa kalalakihan ang magtatagisan para sa titulo sa Open Conference na magsisimula sa araw na ginugunita ang Easter Sunday sa Abril 6.

Ito ang unang pagkakataon na magsisimula ang ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s sa pamamagitan ng Open Conference at ginawa ito  upang mailinya ang liga sa bagong kalendaryo sa pagbubukas sa mga collegiate leagues.

“Nagdesisyon kami na unahin ang Open dahil sa bagong opening ng NCAA at UAAP leagues. Ang Shakey’s ay ginagamit ng mga collegiate teams bilang bahagi ng kanilang preparasyon kaya’t minabuti na gawin ito bilang second conference,” wika ni Mauricio “Moying” Martelino na chairman ng Sports Vision.

Inaasahang mangunguna sa women’s division ang Philippine Army Lady Troopers at Cagayan Valley Lady Rising Suns na tumapos sa unang dalawang puwesto noong nakaraang taon.

Ito rin ang ikalawang sunod na pagkakataon na magkakaroon ng men’s division pero dumoble ang sumali dahil apat lamang ang nagtagisan sa Season 11.

Isang format lamang ang gagamitin sa dalawang dibisyon at ang elimination ay isang single-round robin at ang mangungunang apat na koponan ay uusad sa semifinals at  best-of-three naman ang finals.

vuukle comment

ABRIL

ANG SHAKEY

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

EASTER SUNDAY

OPEN CONFERENCE

PHILIPPINE ARMY LADY TROOPERS

SHAKEY

SPORTS VISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with