^

PSN Palaro

Wesley giba kay Nakamura sa blitz

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinakita ng US GM Hiraku Nakamura kung bakit siya ang ikalawang pinakamahusay sa blitz game sa chess sa mundo nang angkinin ang 21-5-11-5 panalo laban kay dating Filipino GM na ngayon ay naglalaro para sa US na si Wesley So.

Ito ang unang laro ni So sa blitz sa mahabang panahon at hindi naman siya tunay na kilala na mahusay sa ganitong laro base sa kanyang 2726 rating para malagay sa 35th puwesto.

May 2887 rating si Nakamura para pumangalawa kay world champion at blitz king Magnus Carsen (2948).

Ang panalo ay nagkahalaga ng $1,000.00 para kay Na­kamura.

Ang hindi magandang ipinakita ni So ay tiyak na mag­­tutulak sa No. 10 sa FIDE ranking sa classical chess pa­ra pagbutihan ang gagawing pagsali sa 77th Tata Steel Masters saWijk ann Zee sa The Netherlands.

Isang Category 20 ang nasabing torneo at makaka­sukatan ni So ang iba pang matitikas na GMs sa pangu­nguna ni Carlsen at ang women’s world champion na si Hou Yifan ng China simula sa Sabado.

vuukle comment

CARLSEN

HIRAKU NAKAMURA

HOU YIFAN

IPINAKITA

ISANG CATEGORY

MAGNUS CARSEN

TATA STEEL MASTERS

WESLEY SO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with