^

PSN Palaro

Alfafara, Espejo mahigpit ang labanan para sa Season MVP

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan)

8 a.m.  ADMU vs UE (M)

10 a.m.  UP vs NU (M)

2 p.m.  UP vs ADMU (w)

4 p.m.  UE vs DLSU (W)

 

MANILA, Philippines - Sina Mark Alfafara at Marck Espejo ang hinuhulaang maglalaban para sa MVP sa Season 77 UAAP men’s volleyball.

Ang dalawang ito ang nanalo ng pinakamataas na individual award sa liga sa huling dalawang taon at sila ang posibleng magtuos dahil maganda ang ipinakikita bago nagbakasyon ang liga.

Si Alfafara na manlalaro ng UST at MVP ng Season 75 ay nangunguna sa  sco­ring sa 106 puntos mula sa 95 spikes, walong blocks at tatlong service aces habang ang kamador ng Ateneo na si Espejo ay nasa ikalawang puwesto sa 93 puntos mula sa 78 kills, walong blocks at pitong aces.

Si Espejo ang Rookie-MVP noong nakaraang taon.

Ang iba pang manla­laro na nasa unang limang puwesto ay sina Edward Camposano ng UE (82) puntos, Romnick Rico ng UST (81) at Fauzi Ismail ng Natiolnal University (76).

Si Camposano ang pinakapatok para maging Rookie of the Year dahil siya ang nagpapasikat sa mga baguhan sa liga.

Makikita ang husay ng NU sa pagbabalik ng aksyon bukas sa The Arena sa San Juan City sa pagharap sa UP Maroons.

vuukle comment

EDWARD CAMPOSANO

FAUZI ISMAIL

LARO BUKAS

MARCK ESPEJO

NATIOLNAL UNIVERSITY

ROMNICK RICO

ROOKIE OF THE YEAR

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with