^

PSN Palaro

Robinson lilipat sa Lyceum

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy  na ang paglipat ni Topex Robinson mula San Sebastian Stags tungo sa Lyceum Pirates.

Nagkaayos na ang be­te­­ranong coach at Lyceum para hawakan ang Pirates sa Season 91 ng NCAA men’s basketball.

Pirmahan na lamang ng kon­trata ang kailangan para opisyal na mapabilang si Robinson sa Lyceum.

“Not yet signed but in principle, it’s already agreed upon,” wika ng isang impormante.

Noong 2011, pumasok ang 35-anyos na dating point guard ng Stags bilang coach ng koponan at gamit sina Calvin Abueva, Ronald Pascual at Ian Sangalang ay umabot sa Finals ang koponan.

Ngunit hindi nila kinaya ang lakas ng San Beda Red Lions tungo sa 0-2 pagkatalo sa best-of-three finals.

Umalis sa koponan si Robinson noong 2012 pero bumalik sa sumunod na taon at naipasok sa Final Four ang Stags kahit wala na ang kanilang ‘Big Three’.

Sa nakaraang season ay nagkaroon lamang ng 5-13 baraha ang Baste para malagay sa ikawalong puwesto.

Mas maganda ang ti­na­pos ng Pirates dahil nalagay sila sa ikapitong puwesto taglay ang pitong panalo matapos ang 18 laro.

Naghahanap ng ba­gong coach ang Lyceum matapos ang paglisan ni Bonnie Tan na ngayon ay team manager ng Globalport Batang Pier sa PBA.

 

vuukle comment

BIG THREE

BONNIE TAN

CALVIN ABUEVA

FINAL FOUR

GLOBALPORT BATANG PIER

IAN SANGALANG

LYCEUM PIRATES

RONALD PASCUAL

SAN BEDA RED LIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with