^

PSN Palaro

Phl Blu Boys may tiket na sa 2015 World Championship

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinalo ng Philippine Blu Boys ang host Singapore, 5-2, sa isinagawang Page System semifinals sa idinaraos na Asian Men’s Softball Championship sa Kallang Softball Diamond sa Singapore noong Huwebes.

Ang panalo ay nagtakda sa Pambansang koponan na makaharap ang Indonesia para madetermina kung sino ang makakalaban ng nagdedepensang kampeon Japan sa championship.

Nakuha rin ng Pilipinas ang upuan patungo sa 2015 World Men’s Softball Championship sa Saskatoon, Canada dahil ang mangungunang tatlong koponan sa anim na bansang kompetisyon ay aabante sa prestihiyosong kompetisyon na naka-kalendaryo mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 5.

Masidhi ang pagha­hangad ng Pilipinas na matalo ang Indonesia dahil tinalo sila nito sa elimination round sa 9-8 iskor.

Huling natalo ang Blu Boys sa Indonesia ay sa elimination round sa 2011 Palembang SEA Games ngunit binawian nila ang host ng kompetisyon sa finals para manatiling kampeon sa kompetisyon.

Ang Japan ay nasa finals na matapos ang 4-0 panalo sa Indonesia sa unang laro sa Page System at kasama ang Indonesia ay maglalaro rin sa World Championship.

Ang iba pang umabante na ay ang nagdedepensang New Zealand bukod pa sa Australia, Argentina, Dominican Republic, Mexico, USA, Venezuela, Czech Republic, Denmark, Netherlands at host Canada. (AT)

vuukle comment

ANG JAPAN

ASIAN MEN

BLU BOYS

CZECH REPUBLIC

DOMINICAN REPUBLIC

KALLANG SOFTBALL DIAMOND

NEW ZEALAND

PAGE SYSTEM

PHILIPPINE BLU BOYS

SOFTBALL CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with