^

PSN Palaro

Valdez iniwanan na ang mga karibal para sa MVP award

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong manlalaro ng nag­dedepensang kampeon na Ateneo Lady Eagles ang nangunguna sa apat na individual awards sa pagtatapos ng aksyon sa 2014 sa UAAP women’s volleyball.

Nangunguna sa Lady Eagles ang nagdedepensang Most Valuable Player (MVP) ng liga na si Alyssa Valdez na lumabas bilang Best Spiker at Best Server ng liga.

May 68 spikes sa 150 attempts si Valdez para sa nangungunang 45.33 success rate habang may 10 aces na siya matapos ang 58 attempts para sa .83 average per set.

Pumapangalawa rin si Valdez sa scoring sa 81 total hits (68 kills, 3 blocks at 10 aces) para ipakitang palaban pa rin siya kung  pagiging pinakamahusay na manlalaro sa liga ang pag-uusapan.

Sina Julia Melissa Morado at Jorella Marie De Jesus ang lumabas bilang nangunguna sa Best Setters at Best Receivers para makatulong sa 4-0 pa­nimula ng nagdedepensang kampeon na Ateneo.

Ang sophomore na si Morado ay nakagawa na ng 128 running sets at 188 still sets bukod pa sa dala­wang faults para sa 318 total at magkaroon ng 10.67 average per set.

Si De Jesus naman ay may 32 excellent sets at 2 faults sa 69 attempts para sa 43.48 efficiency rating.

Hindi naman nagpapahuli ang mga beterana ng La Salle Lady Archers na sina Ara Galang at Mika Reyes para ipakita kung bakit nangunguna ang da­ting kampeon sa 5-0 karta.

Una si Galang sa pagpuntos sa 105 total hits mula sa nangungunang 82 kills bukod sa 13 blocks at 10 aces. Siya ay may 17.5 hits average kada laro.

Malakas rin ang laban ni Reyes para  sa pagiging Best Blockers sa kanyang itinalang 17 blocks tungo sa isang block average kada set. (AT)

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ARA GALANG

ATENEO LADY EAGLES

BEST BLOCKERS

BEST RECEIVERS

BEST SERVER

BEST SETTERS

BEST SPIKER

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with