^

PSN Palaro

Azkals mabigat ang kalaban sa semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinasandalan ni German/American Azkals coach Thomas Dooley ang isang linggong pa­hinga para manumbalik ang angas ng paglalaro ng koponan laban sa malakas na Thailand sa pagsisimula ng kanilang semifinals match-up sa 2014 AFF Suzuki Cup.

Nabigo ang Azkals na pangunahan ang Group A nang lasapin ang 1-3 pagkatalo sa host Vietnam sa pagtatapos ng Group elimination.

Dahil dito, ang National team ang makakatapat ng Thailand na nanguna sa Group B. Ang Vietnam ang makakasukatan ng Malaysia sa isa pang semis match-up.

Aminado si Dooley na mabigat na kalaban ang Thais na kaparehas ng Vietnam kung maglaro.

Natalo rin ang Azkals sa Thailand sa isang interna­tional friendly match sa 3-0 iskor ilang araw bago nagsi­mula ang Suzuki Cup.

“The next game is a must-win and I believe in my pla­yers that they can do it. I’m sure they will play better after a week’s rest,” wika ni Dooley sa tournament website.

Ang Rizal Memorial Football field ang siyang venue ng home game ng Azkals bago lumipat sa Thailand sa Disyembre 10.

Maging  ang Thai coach na si Kiatisuk Senamuang ay nagpahayag ng paniniwalang mapapalaban sila nang husto sa pagdayo sa Manila.

Pero ang nakuhang karanasan nang nagkita sa friendly match ay makakatulong para hindi mapahiya bilang isang bisitang koponan.

Ang Thailand ay isang three-time champion ng kom­petisyon pero ang huli ay nangyari noon pang 2002.

Sa kabilang banda, ang Pilipinas ay nasa ikatlong sunod na pagkakataon na nasa semifinals at handa na basagin ang mga kabiguan para makalaro sa championship sa kauna-unahang pagkakataon. (AT)

vuukle comment

AMERICAN AZKALS

ANG RIZAL MEMORIAL FOOTBALL

ANG THAILAND

ANG VIETNAM

AZKALS

GROUP A

GROUP B

KIATISUK SENAMUANG

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with