^

PSN Palaro

Perpetual mapapalaban agad sa Mapua sa NCAA volleyball

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubuksan ng Perpe­tual Help ang pagdepensa sa mga titulo sa seniors division ng NCAA volleyball sa pagsisimula ng aksyon bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang 3-peat champion na Lady Altas ay mapapa­laban sa Mapua sa alas-10 ng umaga.

Si Sinfronio ‘Sammy’ Acaylar pa rin ang coach ng koponan at ipaparada nito ang tatlong rookies sa pangunguna ng 19-anyos at 6’2 na si  Lourdes Cle­mente ng Bulacan.

Sina Nezelle May Gual at Jowie Albert Versoza ang iba pang baguhan na sasandalan para mapunuan ang pagkawala nina MVP Honey Royce Tubino, Jane Diaz at Anne Guillermo dahil nag-graduate na.

Ang Altas na balak ku­nin ang ikalimang sunod na titulo ay magpaparada rin ng halos bagong koponan dahil sa paglisan nina MVP Edmar Sanchez, Glacy Diezmo at Ralph Savellano.

Bunga nito, sina Bonjo­mar Castel, Manuel Do­liente, Waren Catipay, Rey Taneo, Neil Ytorzaita, Allan Salaan at liberong si Jack Kalingking ang mga  aasahan ng Altas sa taong ito.

Hindi rin pahuhuli ang Junior Altas na may sapat na puwersa para mabawi ang titulo sa juniors division.

vuukle comment

ALLAN SALAAN

ANG ALTAS

ANNE GUILLERMO

EDMAR SANCHEZ

GLACY DIEZMO

HONEY ROYCE TUBINO

JACK KALINGKING

JANE DIAZ

JOWIE ALBERT VERSOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with