^

PSN Palaro

Petron Spikers iiwas mamantsahan vs RC Cola

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling makikita ang ipinagmamalaking galing ng Petron Lady Blaze Spikers sa pagharap sa RC Cola-Air Force sa pagpapatuloy ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics ngayon hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ikalawang laro ito sa triple header at magsisimula dakong alas-4 ng hapon at pakay ng Lady Blaze Spikers ang maisulong ang malinis na baraha sa  4-0.

Ibinabandera ng mahu­husay na imports na sina Alaina Bergsma at Erica Adachi, papasok ang Petron sa laro mula sa 25-17, 25-20, 25-23, straight sets panalo sa dating walang talong Cignal HD Spikers sa huling laro sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Malakas ang panimula ng koponang hawak ni coach George Pascua dahil bukod sa dalawang reinforcements ay gumagana rin ang mga locals sa pa­ngu­nguna nina Dindin Santiago at Carmina Aganon.

Sa kabilang banda, ba­lak ng Raiders na makakalas sa pakikisalo sa Cignal sa ikalawang puwesto sa 2-1 baraha.

Binibigyan ng tsansa ang Raiders na nanalo sa huling dalawang asignatura, na makasilat lalo pa’t beterana ang mga locals sa pamumuno ni Joy Cases at pinalakas ng pagpasok nina Emily Brown at Bonita Wise.

“Lumalabas na team work ang mga players sa huling dalawang laro namin. Mahalagang manalo kami sa Petron dahil top team sila at makakatulong para sa momentum ng team,” wika ni Raiders coach Rhovyl Verayo.

Mag-uunahan muna ang Generika Life Savers at Foton Tornadoes sa unang panalo matapos ang tatlong laro sa ganap na alas-2 ng hapon habang solo liderato ang plano ng Cignal sa Maybank sa kalalakihan na magsisimula dakong alas-6 ng gabi. (AT)

vuukle comment

ALAINA BERGSMA

BONITA WISE

CARMINA AGANON

CIGNAL

COLA-AIR FORCE

CUNETA ASTRODOME

DINDIN SANTIAGO

EMILY BROWN

ERICA ADACHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with