^

PSN Palaro

Pinay tossers nasaktan sa Kazakhs

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumabas ang kakulangan ng karanasan ng National U-17 girls volleyball team nang naisuko ang 25-21, 20-25, 25-23, 12-25, 12-15, five sets pagkatalo sa Kazakhstan sa consolation round kahapon sa 10th Asian Girls Vol­leyball Championship na ginagawa sa MCC Hall Convention Center sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Ginawa ng mga kasapi ng koponang ipinadala ng Philippine Volleyball Federation (PVF) at hinawakan ni Jerry Yee ang lahat ng makakaya lalo na sa deciding fifth set pero nakabitiw sila para malaglag sa battle for fifth place.

Nakatabla ang Pilipinas hanggang sa 7-all bago naipanalo ng katunggali ang sumunod na tatlong puntos para sa 10-7 iskor.

Hindi pa sumuko ang koponan at dumikit sa 12-11 bago tinapos ng dating Russian Republic ang tagisan bitbit ang tatlo sa huling apat na puntos na pinaglabanan.

Ang pangyayari ay nagtulak sa Pilipinas na harapin uli ang New Zealand para sa ikapitong puwesto sa pagg­tatapos ng kompetisyon ngayon.

Tinalo na ng Nationals ang Kiwis sa Pool elimination, 25-11, 21-25, 25-5, 25-14, upang magkaroon ng motibasyon para maitala ang pinakamataas na pagtatapos ng isang Pambansang koponan sa liga.

Ito na ang ikaanim na pagsali ng bansa at nalagay ang koponan sa ikawalong puwesto sa naunang limang pagkakataon.

Bumagsak sa consolation round ang Pilipinas matapos lasapin ang 15-25, 16-25, 12-25, pagkatalo sa South Korea sa quarterfinals.

vuukle comment

ASIAN GIRLS VOL

HALL CONVENTION CENTER

JERRY YEE

NAKHON RATCHASIMA

NATIONAL U

NEW ZEALAND

PHILIPPINE VOLLEYBALL FEDERATION

PILIPINAS

RUSSIAN REPUBLIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with