^

PSN Palaro

Bagong Board of Trustees ng PABA

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsama-sama ang mga nagmamalasakit sa baseball para magluklok ng Board of Trustees na bubuo sa bagong Philippine Amateur Baseball Association (PABA).

Umabot sa 21 indibiduwal ang tumugon sa imbitasyon ni PABA chairman Tom Navasero para sa General Assembly meeting kahapon na nagresulta rin sa paghirang ng mga bagong opisyales.

Hindi ito katulad ng nakaraan na sarado ang pintuan sa ibang asosasyon dahil magkakaibang grupo o koponan ang kinatawan ng mga dumalo at ang mga dating nakaupo sa PABA na sina Marty Eizmendi at Navasero ay naunang nagbitiw sa puwesto na siyang nais ng GA.

Hindi dumalo si Eizmendi at wala ring kinatawan ang POC at si Navasero ay hindi tumanggap ng puwesto.

Ang mga pinangalanan sa 12-board seat ay sina Atty. Fe­lipe “Ping” Remollo, Ely Baradas, Martin Cojuangco, Pe­pe Muñoz, Rich Cruz, Vince Allimurong, Raul Saberon, Nor­man Macasaet, Kunifuni Itakura, Roselito Bernardo, Atty. Mel Gecolea at Atty. Chuck Guinto.

Sa Sabado ay magpupulong ang grupo para desis­yu­nan kung paano maipapasok ang ibang baseball groups na hindi dumalo katulad ng UAAP at AFP bukod sa pagluklok ng mauupong pangulo, chairman at isa pang opisyal ng PABA.

Ang Pilipinas ang tatayong punong-abala sa East Asia Baseball Championship na nakakalendaryo sa huling ling­go ng Nobyembre.

vuukle comment

ANG PILIPINAS

BOARD OF TRUSTEES

CHUCK GUINTO

EAST ASIA BASEBALL CHAMPIONSHIP

ELY BARADAS

GENERAL ASSEMBLY

KUNIFUNI ITAKURA

MARTIN COJUANGCO

MARTY EIZMENDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with