^

PSN Palaro

Kampeon sa PBA D-league 13-0 sweep sa NLEX

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapatan ng NLEX Road Warriors ang bawat pagbangon na ginawa ng Blackwater Sports Elite para bawiin ang titulo sa PBA D-League Foundation Cup sa inangking 81-78 panalo sa Game Two ng Finals kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ibinagsak ni Ronald Pascual ang walo sa kanyang 13 puntos sa laro sa huling yugto bago gumana ang mga kamay nina Jake Pascual, Ola Adeogun at Kevin Alas sa huling 1:07 ng labanan tungo sa pagkumpleto sa 2-0 sweep sa  best-of-three Finals series.

Si Jake Pascual ay mayroong 15 puntos, si Adeogun ay naghatid ng 14 puntos at 14 rebounds habang sina Pamboy Raymundo at Garvo Lanete ay naghatid ng 13 at 12 puntos para makumpleto rin ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang 13-0 sweep sa liga.

Ang magandang ipinakita ni Raymundo ang pumuno rin sa pagkakaroon lamang ng tatlong puntos ni Kevin Alas na sa halftime ng bakbakan ay pinarangalan bilang MVP ng conference.

Ang impresibong pag­tatapos ng NLEX ay magandang pabaon sakaling ituloy ang planong pag-akyat sa PBA.

Si Elite starting center Reil Cervantes ang na­nguna sa koponan sa bitbit na 31 puntos, mula sa 10-of-25 field goal shooting at 11-of-14 marka sa free throw line.

Pero nagmintis siya sa mahalagang triple sa puntong angat lang ng dalawa ang NLEX, 80-78, upang maunsiyami ang hangarin na magkaroon ng magandang pagwawakas ang kampanya sa D-League.

Ang Blackwater Sports ay kasama ng NLEX at Kia Motors na tinanggap ng PBA bilang expansion team sa papasok na season.

Si Kevin Ferrer ay mayroong 20 puntos ngunit wala nang sumuporta sa dalawa para makontento sa pangalawang puwesto.

 

vuukle comment

ANG BLACKWATER SPORTS

BLACKWATER SPORTS ELITE

BOYET FERNANDEZ

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

GAME TWO

GARVO LANETE

JAKE PASCUAL

KEVIN ALAS

KIA MOTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with