^

PSN Palaro

PLDT rumesbak sa Cagayan sa PSL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumabas ang inaasa­hang matikas na laro galing sa mga beterana ng PLDT Home TVolution Power Attackers para manaig sa Cagayan Valley Lady Ri­sing Suns, 25-22, 25-22, 19-25, 25-23, sa 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City kagabi.

Si Sue Roces ay mayroong 17 attacks tungo sa 21 puntos habang sina Sasa Devanadera at Maruja Banaticla ay naghatid ng 15 at 12 puntos upang agad na makabangon ang Power Attackers sa unang pagkatalo na ipinalasap ng Petron Blaze Spikers noong Miyerkules.

May 34 errors sa laro ang PLDT pero naisantabi nila ito dahil nangibabaw ang koponan sa mga mahahalagang puntos na pinaglabanan sa laro

Nakatulong din sa Power Attackers ang pagkakaroon ng pitong service aces laban sa zero ng Lady Rising Suns upang malaglag ito sa 0-2 pani­mula sa ligang inorganisa ng Score katuwang ang PLDT Home DSL at may ayuda pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

“Magandang panalo pero napagod ang mga players sa third at fourth set dahil kulang pa sa ensayo,” wika ni PLDT coach Roger Gorayeb.

May 15 kills tungo sa 17 puntos si  Aiza Maizo-Pontillas habang si Janine Marciano ay gumawa ng 14 attack points pero hindi sapat ito para maiahon ang Cagayan mula sa unang kabiguan na naipalasap ng expansion team Air Asia.

vuukle comment

AIR ASIA

AIZA MAIZO-PONTILLAS

ALL-FILIPINO CONFERENCE

CAGAYAN VALLEY LADY RI

CUNETA ASTRODOME

HEALTHWAY MEDICAL

JANINE MARCIANO

JINLING SPORTS EQUIPMENT

POWER ATTACKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with