^

PSN Palaro

Phl Volcanoes umakyat sa No. 52 sa world rankings

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umakyat ng apat na baytang ang ranking ng Philippine Volcanoes matapos ang 26-25 panalo sa Sri Lanka sa Asian 5 Nations sa Colombo kamakailan.

Sa huling International Rugby Board (IRB) World Rankings na inaaniban ng 102 bansa at inilabas sa kanilang website noong Lunes, ang Volcanoes ay nalagay na sa ika-52 pu­westo mula sa dating kinalugaran na 56 puwesto.

Ang pagkatalo ng Sri Lanka ay nagtulak sa kanila pababa mula 48th spot tungo sa 54th puwesto.

Taong 2012 noong unang sumali ang Pilipinas sa Asian 5 Nations at tunay na malaki na ang naiunlad ng laro ng Volcanoes dahil nagsimula sila sa 72nd ranking.

Magkasunod na panalo sa 2012 Asian 5 Nations Division 1 competition ang nagtulak sa Volcanoes para umakyat ng 16 puwesto tungo sa 56.

Magkakaroon pa ng pagkakataon ang national rugby team na umangat pa sa pagharap sa 26th ranked South Korea sa Sabado sa Southern PlainField sa Laguna.

Ang mananalo rito ang kukuha sa ikatlong puwesto sa  A5N Premier Division habang ang matatalo ang bababa sa Division 1 sa 2015 kasama ang Sri Lanka.

vuukle comment

INTERNATIONAL RUGBY BOARD

MAGKAKAROON

MAGKASUNOD

NATIONS DIVISION

PHILIPPINE VOLCANOES

PREMIER DIVISION

SOUTH KOREA

SRI LANKA

WORLD RANKINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with