^

PSN Palaro

Nietes pababagsakin si Fuentes

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagtutuos ay ipakikita ni WBO light flyweight champion Donnie Nietes ang kanyang bangis para makamit ang hanap na kumbinsidong panalo sa Mexican challenger na si Moises Fuentes.

Sa press conference sa Bayview Park Hotel para sa kanilang tagisan sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City,  tinuran ni Nietes na pinaghandaan niya nang husto ang title fight para makabawi matapos ang kontrobersyal na majority draw decision na kanyang nakuha sa unang pagkikita noong Marso 2 sa Cebu City.

“Hindi ko hahayaan na makuha niya ang titulo ko at magkakamatayan muna kami,” pahayag ni Nietes. “Ang labang ito ay mauuwi sa knockout.”

Mataas ang kumpiyansa ng nagdedepensang kampeon dahil nanumbalik na ang bangis ng magkabilang kamao matapos ang third round knockout win laban kay Sammy Gutierrez ng Mexico noong Nobyembre 30 sa Big Dome.

Hindi naman papayagan ni Fuentes na mangyari ito dahil determinado siyang patunayan sa lahat ng Filipino na tunay na siya ang nanalo sa unang pagkikita.

Pinatutsadahan pa ni Fuentes si Nietes na panay ang takbo sa unang tunggalian kaya’t nakakuha ng tabla.

“I underestimate my opponent the first time. I came to win and I hope he comes to fight like a true champion,” banat pa ni Fuentes.

 

vuukle comment

BAYVIEW PARK HOTEL

BIG DOME

CEBU CITY

DONNIE NIETES

FUENTES

MALL OF ASIA ARENA

MOISES FUENTES

NIETES

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with