^

PSN Palaro

Lady Stags pipiliting maka-playoff vs Agilas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahaharap sa must-win game ang San Sebastian Lady Stags sa pagharap sa Davao Lady Agilas sa pagtatapos ng elimination round ng Shakey’s V-League Sea­son 11 First Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-2 ng hapon magsisimula ang tunggalian at ang makukuhang panalo ng Lady Stags ang kanilang magiging tiket patungo sa quarterfinals sa Group B sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision ka­tuwang ang Shakey’s.

May isang panalo matapos ang apat na laro ang San Sebastian at kung mahigitan ang hamon ng pasok ng Davao ay makakatabla nila ang pahingang FEU Lady Tamaraws sa mahalagang ikaapat na puwesto.

Kapag nangyari ito, isang playoff ang magaganap sa dalawang nabanggit na koponan upang madetermina ang makakasama ng nagdedepensang Lady Bulldogs, Lady Agilas at Tigresses.

Kalaban ng UST ang talsik ng Perpetual Help Lady  Altas sa ikalawang laro dakong alas-4 at magkaroon ng four-game winning streak papasok sa playoffs ang magiging motibasyon ng Tigresses sa larong may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Kumpleto na ang apat na uusad sa Group A at ang Ateneo ang may pina­kamagandang quotient sa mga nakatabla.

 

vuukle comment

DAVAO LADY AGILAS

FIRST CONFERENCE

GROUP A

GROUP B

LADY

LADY AGILAS

LADY BULLDOGS

LADY STAGS

LADY TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with