^

PSN Palaro

Katatagan itataya ng PhilHealth vs Malacañang

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City )

2:00 p.m. DOJ vs MMDA

3:30 p.m. LGU vs AFP

5:00 p.m. Malacañang vs PhilHealth

 

MANILA, Philippines - Itataya ng PhilHealth ang malinis na marka laban sa Malacañang sa pag­­papatuloy ng laro ng 2nd UNTV Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang laro ay magsisimula dakong alas-5 ng hapon at hanap ng PhilHealth na maitala ang ikatlong sunod na panalo upang patuloy na manduhan ang Group B sa sampung koponang liga.

Ang dating PBA center na si Poch Juinio ay ma­kikipagtulungan uli sa dating kamador ng Adamson na si Ramil Tagupa bukod kina Jesson Alfeche at Carlo Capati para matapatan ang hamon ng Malacañang na balak kunin ang ikalawang sunod na panalo.

Mag-uunahan ang De­­partment of Justice at Metro Manila Development  Authority  sa kanilang unang panalo sa Group A sa unang laro sa alas-2 ng hapon habang manatili sa ikalawang puwesto sa nasabing grupo ang layunin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kontra sa Local Government Unit (LGU) sa ikalawang laro sa alas-5 ng hapon.

Ang mga larong ito ay mapapanood ng live sa UNTV 37 at may live web streaming sa UNTVweb.com.

 

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CARLO CAPATI

GROUP A

GROUP B

JESSON ALFECHE

MALACA

PASIG CITY

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with