^

PSN Palaro

Mixers kontra Batang Pier

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubuksan ng San Mig Coffee ang kanilang kam­panya sa 2014 PBA Com­missioner’s Cup sa pag­sagupa sa minamalas na Globalport.

Lalabanan ng Mixers, ang 2014 PBA Philippine Cup champions, ang Glo­bal­port ngayong alas-8 ng gabi matapos ang salpukan ng nagdedepensang Alaska Aces at Meralco Bolts sa alas-5:45 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ibabandera ng San Mig Coffee si 6-foot-8 import James Mays, muntik nang pa­litan si Renaldo Balkman ng Petron Blaze noong na­karaang taon, laban kay ba­lik-import Evan Brock ng Glo­balport.

Nanggaling ang Batang Pier sa 77-93 kabiguan sa Aces noong Marso 9.

Kasalukuyang magka­salo sa liderato ang Talk ‘N Text at San Miguel Beer sa magkatulad nilang 2-0 re­cord kasunod ang Alaska (1-1), Barangay Ginebra (1-1), Air21 (1-1), Barako Bull (1-1), San Mig Coffee (0-0), Meralco (0-1), Rain or Shine (0-1) at Globalport (0-2).

Sa unang laro, target ng Aces, umiskor ng 93-77 panalo sa Batang Pier, ang ka­nilang ikala­wang sunod na panalo sa pag­sagupa sa Bolts. (RCadayona)

vuukle comment

ALASKA ACES

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

EVAN BROCK

GLO

GLOBALPORT

SAN MIG COFFEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with