^

PSN Palaro

Ikatlong puwesto pag-aagawan ng PLDT-MyDSL at Cagayan

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

2 p.m. RC Cola

vs Petron (w)

4 p.m. Cagayan Valley vs PLDT (w)

6 p.m. Giligan’s

vs Maybank (m)

 

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang PLDT-MyDSL at Cagayan Val­ley sa pag-okupa sa ikatlong puwesto sa Philippine Super Liga Grand Prix women’s volleyball ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang laro ay magsisi­mula sa ganap na alas-4 ng hapon matapos ang pag­kikita ng RC Cola at Petron sa alas-2 para sa ikalimang puwesto.

Ang huling laro sa alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng Giligan’s at Maybank para sa ikatlong puwesto sa men’s division.

Hindi napangatawanan ng Speed Boosters ang 5-0 sweep sa classification round nang natalo sa Cig­nal, 25-17, 22-25, 25-21, 25-27, 14-16, noong Sa­bado upang mauwi na la­mang sa agawan sa third place ang tropa ni coach Ro­ger Gorayeb.

Si Savannah Noyes na gumawa ng 26 puntos sa huling asignatura, ang inaasahang kakamada para sa Speed Boosters katuwang sina Sue Roces, Charo Soriano at Angela Benting para tapatan ang Lady Rising Suns na nata­lo sa nagdedepensang TMS-Army sa straight sets, 15-25, 20-25, 17-25.

Ang Finals ay gagawin sa Sabado at bukod sa wo­men’s division ay mapa­panood din ang tapatan ng PLDT-MyDSL at Systema Active Spikers.

vuukle comment

ANG FINALS

ANGELA BENTING

CAGAYAN VAL

CAGAYAN VALLEY

CHARO SORIANO

PASIG CITY

SHY

SPEED BOOSTERS

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with