^

PSN Palaro

Knights sasamahan ang Lions sa semis

AT - Pilipino Star Ngayon

 Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

4 p.m.  Arellano University vs EAC  (Srs.)

6 p.m. St. Benilde

 vs Letran (Srs.)

 

MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng Emilio Aguinaldo College ang laban para sa huling puwesto sa Final Four habang ang Letran ay magpapatatag sa ikalawang puwesto sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Katipan ng Generals ang Arellano University sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon at hanap ang ika-siyam na panalo upang iwanan panandalian ang nasa pang-apat na puwesto na San Sebastian na mayroong 8-6 baraha.

Inspirado ang bataan ni coach Gerry Esplana dahil malaki ang posibilidad nilang umabante sa Final Four sa unang pagkaka­taon sapul nang sumali sa liga dahil may tatlong laro pa silang nalalabi.

May three-game winning streak ang Generals tampok ang 85-83 come-from-behind panalo sa St. Benilde noong Huwebes.

“Naroroon na ang composure. May tsansa ka­ming pumasok sa semis at nasa amin na kung paano ito mangyayari,” wika ni Esplana.

Sakaling manalo  ang Generals, tuluyan namang mamamaalam ang Chiefs na sa ngayon ay mayroong 5-9 baraha.

Ang Knights ay maka­kabangga ang host Bla­zers sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi at ang makukuhang ika-12 panalo ang magsisilbing tiket na sa Final Four.

Nauna ng nakapasok ang nagdedepensang kampeon na San Beda sa kanilang 13-2 baraha.

vuukle comment

ANG KNIGHTS

ARELLANO UNIVERSITY

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

GERRY ESPLANA

LARO NGAYON

LETRAN

SAN JUAN CITY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with