^

PSN Palaro

Generals maghahabol sa Final 4 vs Cardinals

ATan - Pilipino Star Ngayon

 Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

4 p.m.  Mapua vs  EAC (Jrs.)

6 p.m.  Mapua vs EAC (Srs.)

 

MANILA, Philippines - Wawakasan ngayon ang aksyon sa first round sa 89th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City sa pagtutuos ng Mapua at Emilio Aguinaldo College sa seniors at juniors division.

Unang laro ay ang pag­kikita ng Red Robins at ­Brigadiers sa ganap na alas-4 ng hapon bago sundan ng tagisan ng Cardinals at Generals dakong alas-6 ng gabi.

Bagamat parehong may losing records ang Ma­pua at EAC, pupukpok pa rin ang dalawang koponan para magkaroon ng momentum papasok sa mahalagang second round.

Sa ngayon, ang tropa ni coach Gerry Esplana ay may 3-5 baraha pero galing sila sa dalawang sunod na panalo laban sa Lyceum (83-76) at Arellano (79-63).

Kung sa­kaling madug­tungan ng Generals ang pagpapanalong ito, sasa­lu­han nila ang pahingang San Sebastian sa ikali­mang  puwesto upang mas gumanda ang paghahabol para sa Final Four.

Sa kabilang banda, wa­kasan ang anim na su­nod na pagkatalo ang dagdag hamon sa tropa ni coach Fortunato “Atoy” Co.

Hindi naman mababago ng makukuhang panalo ang kinalulugarang ika-sampu at huling puwesto sa liga pero tiyak na makakatulong ang makukuhang panalo para magkaroon ng kumpiyansa papasok sa second round.

Dapat na manumbalik ang dating magandang laro na ibinibigay ng mga beteranong sina Kenneth Ighalo at Joseph Eriobu upang mapigilan ang pagpapanalo ng Generals na sasandal kina Noube Happi, Igee King, Jan Jamon, John Tayongtong at Elyzar Paguia.

Samantala, makikipagsiksikan naman ang Red Robins sa CSB-LSGH at Jose Rizal University sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto sakaling pataubin ang Brigadiers sa unang laro.

May iniingatang 5-3 baraha ang Red Robins at bitbit nila sa laro ang 3-game winning streak para mas paboran sa Brigadiers na may isang panalo lamang sa walong pakikipaglaban.

vuukle comment

ELYZAR PAGUIA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

GERRY ESPLANA

IGEE KING

MAPUA

RED ROBINS

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with