^

PSN Palaro

Almazan ipinatikim sa Bedans ang kanyang bangis

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi marahil makalimutan ni Raymond Almazan ang pait ng kabiguang inabot ng Letran sa San Beda sa finals sa NCAA noong nakaraang taon.

Kaya sa unang tapatan ng Knights at Lions sa 89th NCAA men’s basketball noong Sabado ng gabi, ipinamalas ng 6’7 center ang bangis ng paglalaro para igiya ang koponan sa 74-67 tagumpay.

May 22 puntos, 11 re­bounds at 3 blocks si Almazan para panatilihin ang tropa ni coach Caloy Garcia sa itaas ng team standings sa 8-1 baraha.

Ang mahusay na ipina­kita ay nagkaroon pa ng dagdag na pabuya mula sa NCAA Press Corps na ginawaran ang pambatong sentro ng Knights ng ACCEL/3XVI Player of the Week na suportado rin ng Gatorade.

“Gustung-gusto ko tala­gang bumawi matapos ang nangyari sa amin last year,” wika ni Almazan na ang tinutukoy ay ang 1-2 pagkatalo sa best-of-three finals sa Red Lions.

Kahit si Garcia ay na­tuwa sa ipinakita hindi lamang ni Almazan kundi ng lahat ng ginamit niyang players para makabangon agad mula sa 66-80 unang pagkatalo sa kamay ng Perpetual Help.

“Sinabi ko sa kanila na ito ang tamang pagka­kataon para bumawi sa pagkatalo namin dahil ang San Beda ang best team sa league. Ipinakita lamang ng mga players na may character sila,” wika ni Garcia.

Matapos ang first round, si Almazan ay nag­hahatid ng 14.1 puntos, 15.3 rebounds at 2.2 blocks kada laban upang magi­ging palaban pa rin ang Knights sa taong ito.

Ito rin ang ikalawang POW ni Almazan sa taon matapos ibigay sa kanya ang award sa unang linggo ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Nakaribal ni Almazan para sa citation na ito ang mga kamador ng Perpetual Help na sina Juneric Baloria at Nosa Omorogbe na siyang nagbida nang talunin ng Altas ang host College of St. Benilde sa overtime (90-89) noong Lunes para makasalo ang San Beda sa ikalawang puwesto sa 7-2 karta.

vuukle comment

ALMAZAN

CALOY GARCIA

COLLEGE OF ST. BENILDE

GARCIA

JUNERIC BALORIA

NOSA OMOROGBE

PERPETUAL HELP

PLAYER OF THE WEEK

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with