^

PSN Palaro

Iloilo softbelles dinurog ang Canada sa World Series

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ng Iloilo Pro­vince ang dalawang dikit na pagkatalo nang durugin ang Canada, 24-4, sa pagpapatuloy ng Junior League Softball World Series sa Kirkland, Wa­shington.

Limang innings lamang inabot ang tagisan at ang koponang kumakatawan sa Asia Pacific ay umiskor ng runs sa bawat inning upang katampukan ang dominasyon sa katunggali.

May 13 hits ang Iloilo laban sa tatlo lamang ng Canada na pinutakti rin ng 12 errors para umangat ang koponan mula Pilipinas sa 1-2 baraha habang 0-3 ngayon ang katunggali.

Dahil sa panalo, nakatiyak ang Iloilo Province na aabante sila sa crossover quarterfinals sa Pool A dahil sila ngayon ang nasa ikaapat na puwesto sa limang koponan.

Hahangarin pa ng Iloilo na wakasan ang kam­panya sa pool elimination bitbit ang isa pang panalo sa pagbangga sa Canfield, Ohio.

Bago ito ay lugmok ang Iloilo sa kamay ng Tampa, Florida, 5-16, at host  Kirkland, 0-10.

Nanatiling walang talo sa Pool A and Tampa matapos ang tatlong laro habang ang New Jersey ay mayroon ding 3-0 baraha para pamunuan ang Pool B.

vuukle comment

ASIA PACIFIC

ILOILO

ILOILO PRO

ILOILO PROVINCE

JUNIOR LEAGUE SOFTBALL WORLD SERIES

KIRKLAND

NEW JERSEY

POOL A

POOL A AND TAMPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with