^

PSN Palaro

No. 1 si Appleton: Orcollo, Corteza pasok sa top 10 sa WPA rankings

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang Filipino cue-artist ang nasa ikalawa at ikatlong puwesto sa men’s ranking ng international body sa bilyar na World Pool Association.

Si dating number one player Dennis Orcollo ay kumabig na ng kabuuang 1,308 puntos para kunin ang ikalawang puwesto, habang si Lee Van Corteza ang nasa ikatlo sa 1,245 puntos.

Dating nasa ikapitong puwesto si Orcollo pero kinapitan niya ang nakuhang 228 puntos sa paglaro sa China Open at 190 sa Ultimate 10-Ball para umangat ng puwesto.

Sa kabilang banda, umani si Corteza ng 600 puntos nang dominahin ang China Open para umakyat mula sa ikaanim na puwesto.

Si  Darren  Appleton ng Great Britain ang nasa una­han sa talaan sa 1,876 puntos at kinatampukan ito ng 405 puntos sa Ultimate 10-Ball at 168 puntos sa China Open.

Nasa ikaapat na puwesto si Li Hewen ng China sa 1,215 habang si Ralf Souquet ng Germany ang kukumpleto sa unang limang puwesto sa 1,139 puntos.

Ang pambato sa kababaihan ng bansa na si Rubilen Amit ay nasa malayong ika-11 puwesto sa kababaihan sa naipong 790 puntos.,

Una sa talaan si Kelly Fisher ng Great Britain sa 1,646, habang ang mga Chinese players na sina Liu Sha Sha, Chen Siming at Fu Xiao-Fang ang nasa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto sa 1,423, 1,405 at 1,328 puntos.

vuukle comment

CHEN SIMING

CHINA OPEN

DALAWANG FILIPINO

DENNIS ORCOLLO

FU XIAO-FANG

GREAT BRITAIN

KELLY FISHER

LEE VAN CORTEZA

PUNTOS

PUWESTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with