^

PSN Palaro

V-Bells pinayukod ng Indonesia

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabigong mapanatili ng Team Philippines ang ma­­gandang panimula nang isuko ang 20-25, 19-25, 22-25 pagkatalo sa In­donesia sa pagtatapos ng Asian Southeastern Zone Women’s Volleyball qualifier noong Linggo sa Quang Tri, Vietnam.

Nasayang ang 16-11 ka­lamangan na hina­wa­kan ng koponan nang ku­mulapso sa labanan.

Ganito rin ang nangyari sa second at third set at sa huling set ay hinawakan ang 16-14 bentahe.

Pero sadyang wala sa koponan ang suwerte da­hil 11 sa 17 puntos na pinag­labanan ang ki­nu­ha ng Indonesia na wi­nakasan ang apat na nas­yon, tatlong araw na torneo sa ikalawang puwesto sa  2-1 karta.

Si Dindin Santiago ay may­roong 14 hits, si Jaja Santiago ay may 11, habang sina Maika Ortiz at Alyssa Valdez ay naghatid ng 10 at 9 hits.

Nalaglag ang Pilipinas sa ikatlong puwesto sa 1-2 baraha  matapos matalo sa host Vietnam sa straight sets.

Ang tanging panalo ay naiposte sa Myanmar sa larong tumagal ng apat na sets.

Hindi man pinalad, res­petadong pagtatapos pa rin ang naiposte ng ko­ponan.

Target ng grupo na ma­kasali sa isang invitational tournament sa Vietnam sa Hulyo.

 

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ASIAN SOUTHEASTERN ZONE WOMEN

GANITO

JAJA SANTIAGO

MAIKA ORTIZ

QUANG TRI

SHY

SI DINDIN SANTIAGO

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with