^

PSN Palaro

Lebron reresbakan ang San Antonio duncan asam ang IKA-5 NBA title

Pilipino Star Ngayon

MIAMI -- Ang dalawang koponan na binuo para manalo ang maglalaban sa National Basketball Association (NBA) Finals.

Idedepensa ng Miami Heat ang kanilang korona laban sa San  Antonio Spurs sa isang classic match-up sa pagitan ng dalawang tropang may kanya-kanyang sapat na talento.

Nakatakda ang Game 1 sa Huwebes sa Florida.

Ang Miami ay may ipinagmamala­king ‘Big Three’ sa katauhan nina Le­Bron James, Dwyane Wade at Chris Bosh, habang ang mga beterano naman ang sasandalan ng San Antonio.

Para sa Spurs, hangad ng 37-an­yos na si Tim Duncan ang kanyang pang-limang NBA championship matapos tulungan ang San Antonio sa pag­hahari noong 1999, 2003, 2005 at 2007.

Sina Frenchman Tony Parker at Argentine Manu Ginobili ay bahagi ng huling tatlong kampeonato ng Spurs.

Para maitakda ang ka­nilang championship series, tinalo ng Miami ang Indiana Pacers at pinayukod ng San Antonio ang Oklahoma City Thunder sa kani-kanilang mga conference finals series.

Ang Heat ay nasa kanilang pangatlong sunod na finals stint matapos matalo sa Dallas Mavericks noong 2011 at tinalo naman ang Thunder noong 2012.

Para kay James, ito ang ikalawang pagkakataon na makakaharap niya ang Spurs na tumalo sa kanya sa NBA Finals noong 2007 habang naglalaro pa siya sa Cleveland Cavaliers.

“My Cleveland team, we were very young, and we went up against a very experienced team, well‑coached team. And they took advantage of everything that we did,” wika ni James.

“This is our third final.  So  we’re very experienced as well. We’re not young, we’re not inex­pe­rienced. We un­derstand the opportunity that we have and I’m a much better player,” dagdag pa nito. “I’m 20, 40, 50 times better than I was in the ‘07 Finals.”

Nagla­laro naman si Wade na may iniindang knee injury na nagpababa sa kanyang produksyon.

vuukle comment

ANG HEAT

ANG MIAMI

ANTONIO SPURS

ARGENTINE MANU GINOBILI

BIG THREE

BRON JAMES

CHRIS BOSH

SAN ANTONIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with