^

PSN Palaro

San Miguel Beer paborito vs Saigon Heat

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dominahin ang kani­lang head-to-head ang isa sa magtutulak sa San Miguel Beer  para magpa­tuloy ang mataas na antas ng paglalaro sa ASEAN Basketball League.

Sa Yñares Sports Arena sa Pasig City gagawin ang labanan sa ganap na alas-4 ng hapon at muling  kakaharapin ng Beermen ang nangungulelat na Saigon Heat.

Angat ang Beermen sa Heat , 2-1, at ang hu­ling pagkikita noong Abril 17 sa Vietnam ay nauwi sa 101-49 tambakan dahil hindi nasalang si David Palmer bunga ng ipinataw na suspension.

Hindi naman nagku­kum­piyansa si coach Leo Austria dahil bukod sa dalawang imports ang ipaparada ng Heat, pursigido rin ang mga ito para manatiling buhay ang paghaha­bol para sa puwesto sa semis.

May 3-13 karta ang Heat pero puwede pang umabante sa playoffs sa­ka­ling walisin ang nalala­bing anim na laban.

Bunga nito,  nananalig ang pamunuan ng Beermen na magpapatuloy ang inspiradong paglalaro ng 40-anyos na si Asi Taulava na kuminang sa huling dalawang panalo para umusad sa 11-sunod ang kanilang pagpapanalo.

 

vuukle comment

ASI TAULAVA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

DAVID PALMER

LEO AUSTRIA

PASIG CITY

SA Y

SAIGON HEAT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with