^

PSN Palaro

Win No. 2 pag-aagawan ng 4 teams sa UAAP women’s volley

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agawan sa ikalawang panalo ang nakataya sa apat na koponan sa pagpa­patuloy ng 75th UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Mangunguna rito ang two-time defending champion La Salle na susukatin ang FEU na ang laro ay gagawin matapos ang UP at Adamson sa ganap na alas-2 ng hapon.

Ang apat na nabanggit na koponang ito ay parehong may 1-1 baraha at ang mananalo ay makaka­salo sa ikalawang puwesto na hawak ng host National University.

Balikatan ang inaasa­hang mangyayari sa pagitan ng Lady Archers at Lady Tamaraws na parehong nakabangon mula sa unang pagkatalo sa huling asignatura.

Pinataob ng La Salle ang Adamson, 26-24, 25-19, 25-18, habang ang FEU ay nangibabaw sa UP, 25-14, 25-14, 27-25.

Unahan sa pagba­ngon ang mangyayari sa hanay ng Lady Falcons at Lady Maroons sa kanilang tagisan.

Ang mabibigo sa larong ito ay makakasalo ng UST sa  1-2 baraha.

vuukle comment

ADAMSON

AGAWAN

BALIKATAN

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY FALCONS

LADY MAROONS

LADY TAMARAWS

NATIONAL UNIVERSITY

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with