^

PSN Palaro

Gomez kumakasa pa sa GWP

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bumangon si Roberto ‘Pinoy Superman’ Gomez mula sa kanyang first session five-rack outing na 6:43 minuto para sa mas mabilis niyang 5:21 minuto sa second session upang iposte ang kabuuang qualifying round time na 12:04 minuto sa 10-Ball Speed Challenge ng Guinness World Pool.

Dahil sa kanyang panalo, pinalakas ni Gomez ang kanyang tsansa para sa isang silya sa Top 32.

Sa bagong format ng 10-Ball speed pool, pinag-aralan muna ng mga pla­yers ang torneo kung saan nabigo kaagad si Gomez.

Maliban kay Gomez, ang iba pang naging top performers ay sina Karl Bo­yes (4:24 minuto) at Chris Melling (4:20 minuto) ng Great Britain.

“Hindi ko talaga alam kung paanong approach ang gagawin ko sa table,” sabi ni Gomez sa first session. “Ginaya ko ‘yung style ng laro ng mga British boys (Boyes at Melling) kaya gumanda ang laro ko sa second session.” 

Naorasan naman sa first session sina 2011 World 8-Ball Champion Dennis Orcollo at Jeffrey De Luna ng 04:31 at 05:20 minuto, ayon sa pagkakasunod.

Sa Speed Pool challenge, kabuuang 40 pla­yers ang sasabak sa da­lawang sesyon na may limang lamesa bawat isa. Sa Top 32, lalaruin ito sa isang single knockout format papunta sa semifinals na magtatampok sa mga players sa isang face-off sa limang lamesa.

Ang may pinakama­gandang oras ang aabante sa finals na isang seven- rack shootout.

Ang 2012 Guinness World Series of Pool--Speed Pool Tournament ay may basbas ng Asian Pocket Billiard Union (AP­BU).

vuukle comment

ASIAN POCKET BILLIARD UNION

BALL CHAMPION DENNIS ORCOLLO

BALL SPEED CHALLENGE

CHRIS MELLING

GOMEZ

GREAT BRITAIN

GUINNESS WORLD POOL

GUINNESS WORLD SERIES OF POOL

JEFFREY DE LUNA

KARL BO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with