^

PSN Palaro

Bradley nasa tamang timbang na

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nasa timbang na si Ti­mothy Bradley halos da­lawang linggo pa bago ang tagisan nila ni Manny Pacquiao sa Hunyo 9 (Hunyo 10 sa bansa) sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

“I’m on weight. I left the gym at 147 pounds today so I will probably becoming in kind of light the day of the weight-in, maybe 145 or 144,” wika ni Bradley.

Kondisyon na siya dahil sa masinsinang pagsasanay na ginagawa upang mapataob si Pacquiao na idedepensa ang hawak na WBO welterweight title.

Ipinagmalaki pa ng wa­lang talong challen­ger na aabot siya sa 160 rounds ng sparring upang matiyak na handa siya sa lahat ng gagawin ng natatanging 8-division world champion sa gabi ng laban.

 Nauna ng sinabi ni Bradley na hindi niya po­problemahin ang pagi­ging kaliwete ni Pacman dahil bihasa na siya sa paglaban sa mga lefty matapos kaharapin at talunin sina Joel Casamayor at Devon Alexander na kanyang iniskoran ng knockout wins.

“I’m in my best shape of my life. Training and preparation have been going great. I’ve been training for almost three months now and I will have sparred about 160 rounds. The time is already here and I’m ready to take his throne,” dagdag pa ng 28-anyos na si Bradley na may 28-0 karta kasama ang 12 knockouts.

Ipakikita nga ni Bradley sa publiko ang magandang pangangatawan ngayon sa Fortune Gym sa Sunset Blvd sa Los Angeles sa isang media workout.

Hindi inalintana ni Bradley ang iwan ang dino­dominang WBO light welterweight division upang sukatin ang lakas ng Pambansang kamao kahit siya pa ang umakyat ng timbang.

“I know how to win and I know when I’m down how to pick it up. I just have to make adjustments in the ring and I know how to do that. We are working 50% on boxing and 50% on brawling, it depends on how Pacquiao comes out,” may kumpiyansa pang pahayag ni Bradley.

Sa linggong ito tatapusin na ni Bradley at Pacquiao ang kanilang pagsasanay at inaasahang sa Lunes ay nasa Las Vegas na para paghandaan ang kanilang tagisan.    

vuukle comment

BRADLEY

DEVON ALEXANDER

FORTUNE GYM

GRAND ARENA

HUNYO

JOEL CASAMAYOR

LAS VEGAS

LOS ANGELES

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with