Lady Stags tinalo ang Altas
- Ni ATan () - May 26, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Muling isinalba ni Jeng Bualee ang pagbagsak ng laro ng San Sebastian upang kunin ang 25-14, 25-18, 12-25, 16-25, 15-11 panalo laban sa Perpetual Help sa pagtatapos noong Huwebes ng gabi sa quarterfinals ng 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart sa The Arena sa San Juan City.

Tinapos ng mahusay na Thai import ng Lady Stags taglay ang 35 puntos mula sa 30 kills at 3 service aces.

Ang isang kill at service ace bukod pa sa isang block ang ginawa ni Bualee para sa huling tatlong puntos ng Baste at pawiin ang pagbaba ng laro ng ko­­ponan matapos ang dominanteng laro sa first at second sets.

 Sa pangyayari, ang Lady Stags ay tumapos sa 5-2 karta upang angkinin ang ikatlong puwesto sa Final Four sa ligang inorga­nisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

 Sila ngayon ang makakalaro ng nagbabalik na UST sa semifinals habang ang Lady Altas na bumagsak sa 4-3 baraha ang ka­laban ng wala pang talo at nagdedepensang kampeon na Ateneo sa isang pares ng Final Four sa li­gang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.  

ATENEO FINAL FOUR JENG BUALEE LADY ALTAS LADY STAGS PERPETUAL HELP SAN JUAN CITY SAN SEBASTIAN SHAKEY SPORTS VISION
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with