Yulo siblings mapapalaban na sa Worlds

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Yulo brothers na sina Carlos Edriel at Karl Eldrew ang kampanya nito ngayong araw sa pag-arangkada ng FIG Artistic World Gymnastics Championships sa Netherlands.
Lalarga ang Yulo siblings sa qualification round ng men’s individual all-around na magsisimula sa alas-4 ng hapon (oras sa Maynila).
Target nina Caloy at Eldrew na makapasok sa finals sa kani-kanyang paboritong apparatus.
Sasabak ang dalawa sa anim na apparatus kabilang na ang paboritong floor exercise at vault ni Caloy kung saan ito nakasungkit ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics sa France at 2026 Asian Games sa Japan.
Ito ang unang pagkakataon na magkasamang lalaban sina Caloy at Eldrew sa World Championships.
“Competing together is really natural for me and our dynamics are like a balance of him not focusing and myself being focused, but in my mind, I’m neutral, but he’s having fun, for me it’s a good balance,” ani Caloy sa panayam ng Inside Gymnastics.
Nauna nang nagsama sina Caloy at Eldrew sa Asian Games kung saan pinamunuan ng dalawa ang kampanya ng national gymnastics team.
Masaya si Eldrew na makakasama nitong muli ang kanyang kapatid sa pagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa international stage.
“I’m just happy to be earning that spot. I’m just happy to be here competing beside him and competing alongside Olympians,” ani Eldrew.
- Latest
















