^

PSN Palaro

Giant Risers nabundol ng Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinara ng Terrafirma ang kanilang kampanya sa Season 50 PBA Governors’ Cup sa pamamagitan ng 149-117 panalo sa Titan Ultra sa isang ‘no bearing’ game kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Bumira si Juami Tiongson ng 30 points tampok ang anim na three-point shots, habang humakot si Maverick Ahanmisi ng triple-double na 18 markers, 14 assists at 10 rebounds para sa 5-7 baraha ng Dyip sa Group A.

Naglista si import Justin Strings ng 12 points at 10 boards at may 12 markers din si Joseph Eriobu.

Nalasap ng Giant Ri­sers ang pang-limang sunod na kamalasan para sa 2-10 baraha sa kabila ng 26 points ni Von Pessumal at 24 markers ni import Terrell Brown.

Sa likod ng 18 points ni Tiongson ay inilista ng Terrafirma ang 21-point lead, 47-26, sa pagtatapos ng first period.

Nakalapit ang Titan Ultra sa 40-49 para makadikit sa halftime, 65-76, tampok ang 23 markers ni Pessumal.

Sa likod ni Brown ay lalo pang nakadikit ang Giant Risers sa 80-86, sa 7:13 minuto ng third quarter.

Muling nakalayo ang Dyip sa pagtatapos ng nasabing yugto, 109-94, patungo sa kanilang bounce back win.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with