^

PSN Palaro

Wade, James pinagliyab ang Heat, pasok na sa EC finals

-

INDIANAPOLIS--Umiskor si Dwyane Wade ng 41 points at may 28 naman si LeBron James para igiya ang Miami Heat sa 105-93 panalo laban sa Pacers sa Game 6 papunta sa Eas­tern Conference finals.

Winakasan ng Miami ang kanilang semifinals series ng Indiana sa 4-2 para hintayin ang mananalo sa serye ng Boston at Philadelphia.

Sinuman sa Celtics at 76ers ang makakasagupa ng Heat para sa confe­rence finals na magsisi­mula sa Lunes sa Miami.

“In the regular season, we’ve had some good games,’’ wika ni Wade. “But I don’t know if we’ve ever had three in a row like that in the playoffs.’’

Nanggaling ang Miami sa 1-2 pagkakaiwan sa serye matapos biguin ng Pacers, 94-75, sa Indiana­polis sa Game 3 para kunin ang home court advantage.

Sa pamamahinga ni Chris Bosh dahil sa isang abdominal injury, sina Ja­mes at Wade ang nagdala sa Heat sa sumunod na tatlong laro kung saan nagtala si James ng kabuuang 98 points, 34 rebounds at 24 assists, habang kumolekta si Wade ng 99 points, 22 rebounds at 11 assists.

Mula sa isang 11-point deficit, dinala ni Wade sa kanyang mga balikat ang Miami sa pamamagitan ng kanyang 26 points sa halftime.

Pumantay ang natu­rang produksyon ni Wade sa 16-year-old franchise record ni Tim Hardaway para sa pinakamaraming playoff points sa unang dalawang yugto.

Tanging sa huling bahagi ng second quarter nakaporma ang Pacers sa pagbaba ng 10-0 run upang agawin ang 53-51 lead patungo sa second half.

Iginupo ng Miami ang Chicago Bulls noong nakaraang taong Eastern Conference finals, ngunit nabigo naman sila sa kamay ng Dallas sa six games sa championship series.

vuukle comment

BUT I

CHICAGO BULLS

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

IGINUPO

MIAMI

MIAMI HEAT

TIM HARDAWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with