Gabuco tatanggap ng P1M sa ABAP
- Ni ATan () - May 23, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tumataginting na P1 milyon ang gantimpalang ibibigay ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) kay Josie Gabuco matapos manalo ng ginto sa AIBA World Women’s Boxing Championships sa Qinhuangdao, China kamakailan.

Sa PSA Forum inanunsyo ni ABAP secretary-general Patrick Gregorio ang pagbibigay ng insentibo kay Gabuco na siyang kauna-unahang boksingero ng bansa, mapa-lalaki man o babae, na nanalo ng ginto sa AIBA World Championships.

“Masayang-masaya sina pangulong Ricky Vargas at chairman Manny V. Pangilinan at napagkasunduan na bigyan si Josie ng P1 milyon bilang kanyang insentibo,” ani Gregorio.

Inaasahang may darating pang pabuya si Gabuco dahil ang Philippine Sports Commission (PSC) ay nagbabalak na maglabas din ng pondo lalo pa’t hindi pa ka­sama ang World Women’s Boxing Championships sa mga binibigyan ng insentibo base sa Incentives Act.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES BOXING CHAMPIONSHIPS GABUCO INCENTIVES ACT JOSIE GABUCO MANNY V PATRICK GREGORIO PHILIPPINE SPORTS COMMISSION RICKY VARGAS WORLD CHAMPIONSHIPS WORLD WOMEN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with