^

PSN Palaro

Tamaraws tumukod sa Bulldogs

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinakmal ng National University ang 69-65 pa­nalo laban sa Far Eastern University para sumampa sa top spot ng team stan­dings sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Blue Eagle Gym kahapon.

Humugot ng puwersa ang Bulldogs sa second half upang ilista ang 5-2 karta at saluhan sa tuktok ang University of the Philippines habang nalasap ng Tamarawas ang pangatlong kabiguan sa pitong salang.

Malakas na sinimulan ng FEU ang laro sa unang dalawang quarters matapos nilang hawakan ang walong puntos na bentahe, 47-39 sa halftime.

Sa third quarter naagaw ng Bulldogs ang lamang nang ilista nila ang 59-58 papasok ng fourth period matapos silang pamunuan sa opensa ni Macmac Alfanta.

Naging matatag naman ang NU sa payoff period, sinabayan na lamang nila ang bilis at tikas ng FEU upang masikwat ang importanteng panalo.

“It was our game nung second half. Nung first half we gave up too many possessions sa kalaban,” ani NU coach Jeff Napa.

Tumapos si Alfanta ng 14 points at dalawang rebounds kasama ang crucial go-ahead basket sa fourth canto.

Samantala, sumiksik sa three-way tie sa No. 3 spot sa team standings ang Adamson University matapos nilang ilipad ang 63-60 panalo kontra defending champion De La Salle University.

Dahil sa panalo, hawak ng Adamson ang 4-3 karta para saluhan ang UST at FEU habang magkasama ang tuktok ang National University at UP na may tig-5-2 records.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with