^

PSN Palaro

NLEX, Cafe France magpapasolido pa

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pipilitin ng nagdedepensang NLEX at Café France na maipagpatuloy ang pagkapit sa liderato sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang Road Warriors ay ha­harap sa RnW Pacific Pipes sa tampok na laro na magsisimula matapos ang tagisan ng Bakers at Big Chill sa ganap na alas-2 ng hapon.

Galing ang NLEX sa 80-70 panalo kontra sa Big Chill habang ang Café France ay umukit ng 74-57 tagumpay laban sa Erase Plantcenta para makasalo sa Cebuana Lhuillier at Junior Powerade sa tuktok ng standings sa 10 koponang liga.

Nananalig si Road Warriors coach Boyet Fernandez na lalabas na ang tu­nay na laro ng kanyang mga alipores upang maiparating ng maigi ang kahan­daan na maipagpatuloy ang dominasyon sa ikatlong sunod na conference.

“We are just as good as our last game so we have to try to win as many ga­mes as we could,” wika ni Fernandez.

Dapat na pumukpok ang NLEX dahil bubuhos ang Steel Masters para pawiin ang 67-88 pagkatalo sa kamay ng Blackwater Sports sa unang asignatura.

Aasa naman ang Ba­kers sa mahusay na pag­tu­tulungan ng kanilang man­lalaro para masungkit ang best start ng koponan sa liga.

Pero hindi magi­ging madali ang asam na pa­nalo dahil ang Super Chargers ay magbabalak na bumangon mula sa kabiguan sa NLEX.

vuukle comment

ANG ROAD WARRIORS

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BOYET FERNANDEZ

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ERASE PLANTCENTA

JUNIOR POWERADE

PACIFIC PIPES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with