^

PSN Palaro

Pagpili sa 2012 Coach of the Year inilunsad ng Jr. NBA

-

MANILA, Philippines - Nagsimula na ang Jr. NBA sa paghahanap ng 2012 Jr. NBA Coach of the Year na handog ng Alaska.

 Sa ikalimang taon ng programa, tatanggap na ng nominasyon ang pamunuan ng Jr. NBA mula sa iba’t ibang rehiyon at ang mapipiling coach ang siyang makakasama ng 10 batang manlalaro na nagpasikat sa National Training Camp na tutulak sa US.

Uupo ang mapipiling local coach bilang assistant coach ng mga koponan na ilalaban sa ibang Jr. NBA teams mula Asia.

Dapat taglay na dominanteng coach ang pagiging masipag bukod pa sa pagkakaroon ng STAR Values na Sportsmanship, Teamwork, positive Attitude at Respect.

Titingnan din ang selection committee mula sa NBA at Jr. NBA ang naabot sa huling 12 buwan ng pagko-coach ng mga kandidato.

Sampu ang pipiliin para maging finalists at sila ay dadalhin sa Manila ng libre upang dumalo sa NBA National Training Camp mula Mayo 3 hanggang 5 at sasanayin ng bibisitang NBA Legend at mga coaches ng Alaska Aces.

Sa huling araw ng National Training Camp papangalanan ang mapipiling Jr. NBA Coach of the Year.

vuukle comment

ALASKA ACES

COACH

COACH OF THE YEAR

DAPAT

NAGSIMULA

NATIONAL TRAINING CAMP

NBA

SAMPU

TITINGNAN

UUPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with