^

PSN Palaro

Cunningham bumira ng 52 pts vs Wizards

Pilipino Star Ngayon
Cunningham bumira ng 52 pts vs Wizards
Inis Inis-- koran ni Cade CunCade Cunningham ng Detroit rookie AJ Pistons si Dybantsa ng Washington Wizards.
STAR/File

WASHINGTON - Nagpasabog si Cade Cunningham ng career-high 52 points bukod sa 11 assists para banderahan ang Detroit Pistons sa 144-140 double overtime win sa Wizards.

Si Cunningham ang naging unang NBA player na nagposte ng higit sa 50 points, 10 assists at walang turnovers, ayon sa OptaSTATS.

Kumolekta si Ausar Thompson ng 17 points, 11 rebounds at 11 assists para sa kanyang unang career triple-double at may 21 markers si Daniss Jenkins.

Ang three-point shot ni Trae Young sa pagtunog ng buzzer ang nag-akay sa Washington (4-9) sa unang overtime, habang ang midrange jumper ni rookie AJ Dybantsa ang nagdala sa Detroit (8-3) sa ikalawang extension.

Sa ikalawang overtime nagsalpak si Cunningham ng isang 3-pointer kasunod ang dalawang free throws mula sa ikaanim at hu­ling foul ni Wizards center Anthony Davis para sa two-point lead ng Pistons.

Ang baseline jumper ni Cunningham sa huling 25.3 segundo ang naglayo sa Detroit sa 142-138 para ibagsak ang Washington sa ikaanim na sunod na kamalasan.

Tumapos si Young na may 37 points at 14 assists para pamunuan ang Wizards, habang may tig-30 markers sina Davis at Alex Sarr.

Sa iba pang laro, panalo ang Philadelphia 76ers sa Toronto Raptors, 123-112; tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Dallas Mave­ricks, 133-94; at sinunog ng Phoenix Suns ang Charlotte Hornets, 101-96.

WIZARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with