^

PSN Palaro

Corteza 'di nakaporma kay Chang

-

MANILA, Philippines - Nakitaan ng katatagan ang 2012 World 8-ball champion na si Chang Jung-lin ng Chinese Taipei upang angkinin ang 9-7 panalo laban kay Lee Van Corteza ng Pilipinas sa idinaos na Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face-Off Series noong Sabado ng gabi sa Pagcor Airport Casino sa Parañaque City.

 Kinailangang dumiskarte nang husto si Chang dahil naunang hinawakan ni Corteza ang 3-2 kala­ma­ngan sa race to 9, 10-ball, winner’s break format na torneo na handog ng Mega Sports World at BRKHRD Corp.

Isang pagkakamali ni Corteza ang agad na kinapitalisa ni Chang dahilan upang mapanalunan ang sumunod na tatlong racks tungos a 5-3 kalamangan.

Hindi na nakabawi pa ang Filipino ace para ibigay din ni Chang ang 2-1 kalamangan sa Asian team laban sa Philippine team.

Ang panalo ay nagga­wad din kay Chang ng $5,000 pero hindi ang prem­yo kundi ang manalo laban sa tulad niyang tiniti­ngala sa international play ang mas mahalaga.

May ayuda ng Malungai Life Oil, Hermes Sports Bar, Golden Leaf Restaurant, Bugsy Promotions, Mandarin Sky Sea Foods Restaurant, Billiards Mana­gers and Players Association of the Philippines (BMPAP) at The Philippine Star bilang official media partner, ang aksyon ay magbabalik sa Marso 10 at magkikita sina Dennis Orcollo at Chang.          

vuukle comment

BILLIARDS MANA

BUGSY PROMOTIONS

CHANG JUNG

CHINESE TAIPEI

CORTEZA

DENNIS ORCOLLO

FACE-OFF SERIES

GOLDEN LEAF RESTAURANT

HERMES SPORTS BAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with