^

PSN Palaro

Semis puntirya ng Llamados, Texters

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bilang No.1 at No. 2 teams sa quarterfinal round bitbit ang ‘twice-to-beat’ advantage, isang panalo lamang ang kailangan ng Llamados at Tropang Texters para makaabante sa semifinal round.

Nakatakdang sagupain ng B-Meg ang Powerade ngayong alas-7:30 ng gabi, habang lalabanan ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang Barako Bull sa alas-5:15 ng hapon sa 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Sumasakay sa isang eight-game winning streak ang Llamados ni coach Tim Cone sa pagharap sa Tigers ni Bo Perasol.

“Dito na sa quarterfinals makikita ‘yung mga iti­natago ng bawat teams, mga players,” wika ni two-time PBA Most Valuable Player James Yap ng B-Meg. “Kaya hindi kami puwedeng magkumpiyansa kahit No. 1 team kami.”

Tumapos ang B-Meg na may 10-4 rekord at angat sa quotient laban sa Talk ‘N Text (10-4) kasunod ang No.3 Petron Blaze (9-5), No. 4 Barangay Ginebra (9-5), No. 5 Rain or Shine (8-5), No. 6 Meralco (8-6), No. 7 Barako Bull (6-8) at No. 8 Powerade (6-8).

Huling biniktima ng Lla­ma­dos ang sibak nang Shopinas.com Clickers, 86-74, noong Disyembre 8.

Bukod kay James Yap, aasahan rin ng B-Meg si­na Joe Devance, Kerby Raymundo, Marc Pingris, PJ Simon, Roger Yap at rookie guard Mark Barroca katapat sina Gary David, No. 1 overall pick JVee Casio, Mario Lassiter, Sean Anthony at Doug Kramer.   

Nanggaling rin sa pana­lo ang Tigers matapos ku­nin ang 99-95 tagumpay laban sa Energy noong Disyembre 6.

Sa unang laro, pilit na­­­mang babangon ang Tro­pang Texters mula sa isang 82-96 pagyukod sa Gin Kings noong Linggo sa pagsagupa sa Energy, nagmula sa 95-99 kabiguan sa Tigers. 

Sina 2011 PBA MVP Jimmy Alapag, Kelly Williams, Jayson Castro, Ryan Reyes at Harvey Carey ang ibabandera ng Talk ‘N Text, nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup, kontra kina two-time PBA MVP Willie Miller, Danny Seigle, Wynne Arboleda, Paul Artadi at Mic Pennisi ng Barako Bull.

  

vuukle comment

B-MEG

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BILANG NO

BO PERASOL

DANNY SEIGLE

DISYEMBRE

N TEXT

PHILIPPINE CUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with