^

PSN Palaro

Orcollo binawian si Yang sa 2011 PBB Face-Off Series

-

MANILA, Philippines - Hindi na hinayaan ni Den­nis Orcollo na makatatlo sa kanya si Yang Ching-shun ng Chinese-Taipei.

Pinayukod ni Orcollo si Yang, 9-7, sa kanilang ra­ce-to-9 showdown upang angkinin ang $5,000 prem­yo sa Philippine Bigtime Billiards Face-Off series no­ong Sabado ng gabi sa Airport Pagcor Casino sa Pa­rañaque City.

Winalis ni Orcollo, hinirang na World Pool and Billiard Association (WPA) 2011 Player of the Year, ang dalawang sunod na la­mesa mula sa 7-7 pagkaka­tabla kay Yang patungo sa kanyang tagumpay.

Ibinulsa ni Yang ang $2,500.

Nauna nang tinalo ni Yang si Orcollo, ang kasalu­kuyang World No.1, sa ka­nilang dalawang beses na paghaharap dito sa bansa.

"Masayang-masaya po talaga ako kasi nanalo din ako kay Yang dito sa bansa natin," ani Orcollo, ti­numbok ang gold medal sa 8-ball singles event ng na­karaang 26th Southeast Asian Games sa Palembang, Indonesia.

Naglaban sina Orcollo at Yang sa isang sa race-to-60 marathon match no­ong 2007 na ginanap sa Gateway Mall sa Quezon City kung saan ang dating Asian Games gold medal winner ang nananaig.

Hinamon ni Orcollo si Yang sa isang rematch.

Noong 2009 sa Face Off Series 2-One More Ti­me, giniba ni Yang si Or­collo matapos makalusot sa 50-45 panalo na gi­nanap sa Club Capo Exclusive sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang PBB Face Off series ay muling magpapatuloy sa pamamagitan ng pagkikita nina Chang Jung Lin ng Chinese-Taipei at Roberto Gomez sa Dis­yembre 17.

Kasunod nito ang laro ni­na Chang at Carlo Biado sa Disyembre 23 at ang pag­haharap nina Wu Chia Ching ng China at Efren ‘Ba­ta’ Reyes sa Disyembre 30.

vuukle comment

AIRPORT PAGCOR CASINO

ASIAN GAMES

CARLO BIADO

CHANG JUNG LIN

CHINESE-TAIPEI

CLUB CAPO EXCLUSIVE

ORCOLLO

QUEZON CITY

SHY

YANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with