^

PSN Palaro

Gold at silver medal naman kina Ong at Posadas sa bowling

- Ni BRMeraña -

JAKARTA, Indonesia --- Maagarang pagbubukas ang ginawa nina Frederick Ong at Jeremy Posadas sa bowling competition nang kunin ang ginto at pilak na medalya, ayon sa pagkakasunod, sa men’s singles na inilaro dito sa Jaya Ancol Bow­ling Center.

Tila matagal nang naglalaro ang dalawang Filipino bowlers sa bowling center na ito dahil sa suwabeng ipinakita sa 6-game series at bigyan ng magandang simula ang kampanya ng bowling team na nagbabalak na manalo ng apat na gintong medalya.

“Nag-training kami sa lugar na hindi maganda ang oiling kaya lumabas na madali ang maglaro rito,” sabi ni Ong, isang bronze medalist sa 2010 Guangzhou Asian Games, at nagtala ng 1386 pin fall sa six-game series para sa 231.00 average.

Si Posadas na bagito sa SEA Games ay kinapos ng 21 pins tungo sa silver medal sa kanyang 1365 o 227.50 ave­rage, habang si Adrian Ang ng Malaysia ang kumuha ng bronze sa kanyang 1359 o 226.50 averaga.

Sa ikatlong frame umatake si Ong nang makagawa ng 252 upang maiwanan niya ang mga kalaban.

Sampung ginto ang pinaglalabanan sa men’s at women’s division.

vuukle comment

ADRIAN ANG

FREDERICK ONG

GUANGZHOU ASIAN GAMES

JAYA ANCOL BOW

JEREMY POSADAS

MAAGARANG

ONG

SAMPUNG

SI POSADAS

TILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with