^

PSN Palaro

8 gold sa SBC tankers

-

MANILA, Philippines - Nakakasa na ang ikatlong sunod na titulo at pang-anim sa kabuuan sa San Beda, kung men’s swimming title sa 16th PSC-Philippine University Games ang pag-uusapan na ginaganap sa Villareal Sports Complex, Roxas City, Capiz.

Sa pangunguna ni NCAA MVP Wilfredo Sunglao Jr., winalis ng Red Lions ang unang walong events na pinag­labanan sa pagbubukas ng pool competition kahapon habang ang nagdedepensang kampeon sa kababaihan na UP ay nanguna rin sa kinuhang limang ginto.

Ang 19-anyos na second year estudyante na kumukuha ng kursong Marketing at noong nakaraang taon ay Rookie of the Year sa NCAA, ay nangibabaw sa 100m back (1:02.50) at 100m free (56.02) bukod pa sa naging bahagi ng 4x100 medley relay (4:18.24) at 4x50 free (1:45.38).

Sina Jodie De Leon at Arianne Velasquez ay may tig-dalawang ginto para ibandera ang UP na binibigyan naman ng magandang laban ng San Beda na unang sumali sa dibisyon.

May tatlong ginto at tig-isang pilak at bronze medal ang San Beda at sinasandalan nila ang husay ni NCAA MVP Hannah Dato na umani ng dalawang ginto sa larangan ng 400m free (4:45.39) at 200m Individual Medley (2:23.41).

Umani naman ng dalawang ginto ang FEU sa wo­men’s athletics habang dalawa rin ang kinuha ng UST sa men’s division sa pagsisimula ng aksyon sa track and field.                

vuukle comment

ARIANNE VELASQUEZ

HANNAH DATO

INDIVIDUAL MEDLEY

PHILIPPINE UNIVERSITY GAMES

RED LIONS

ROOKIE OF THE YEAR

ROXAS CITY

SAN BEDA

SINA JODIE DE LEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with