^

PSN Palaro

Francisco handang-handa na para harapin si Domingo

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ibang Drian Francisco ang makikita sa ring sa tagisan nila ng beteranong si Michael Domingo sa Sabado sa Makati Coliseum.

Sa pulong pambalitaan na ginanap kahapon sa Tiara Hotel sa Makati City para sa bakbakang handog ng Saved By The Bell at Ala Promotions na tinaguriang Pinoy Warriors, sinabi ni Francisco ang kahandaan na bumangon matapos maagaw sa kanya ang interim WBA super flyweight title nang matalo kay Tepparith Singwancha ng Thailand noong Mayo 1.

“Hindi na mauulit ang pangyayaring iyon. Ginawa ko ang lahat ng paghahan­da para sa labang ito at talagang handang-handa ako rito,”wika ni Francisco na may 20 (16KO), isang talo at isang tabla karta sa 22 laban.

Ang sagupaan ay gagawin sa mas mataas na bantamweight division at si Francisco ang aakyat ng timbang para harapin si Domingo na tiwala rin sa tsansa na manalo.

“May babagsak,” wika ni Domingo na bihasa nang lumaban sa bantamweight at mayroong 42 panalo at 23KO sa 60 laban.

Para mabigyang kasiyahan ang mga mahihilig sa boxing, binuksan na sa publiko ang gate at ang mga papapasukin ay sa pamamagitan ng first-come-first-serve basis.

“Solar Sports and SBB decided to open the gates for free on a first come, first served basis. Ginawa namin ang labang ito sa pagitan nina Francisco at Domingo para tulungan sila sa hangaring makalaban sa lehitimong titulo,” wika ni SBB president Elmer Anuran.

vuukle comment

ALA PROMOTIONS

DOMINGO

DRIAN FRANCISCO

ELMER ANURAN

GINAWA

MAKATI CITY

MAKATI COLISEUM

MICHAEL DOMINGO

PINOY WARRIORS

SAVED BY THE BELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with