^

PSN Palaro

4 teams mag-aagawan sa huling 2 slot sa quarters sa D-League

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Agawan para sa nalala­bing dalawang puwesto sa quarterfinals ng PBA D-League Foundation Cup ang nakataya sa apat na koponang magtatagpo sa pagtatapos ng first round knockout playoff ngayon sa San Juan Arena.

Pinapaboran ang mga koponan ng FCA Cultivators at Cobra Energy Drink laban sa RnW Paci­fic Pipes at Pharex dahil mas naging maganda ang kanilang ipinakita sa group classification.

Ang Cultivators at Paci­fic Pipes ang unang magta­tagisan ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng Ironmen at Pharex dakong alas-4 at ang mananalo ay sasamahan ang Freego Jeans at Blackwater Elite sa quarterfinals matapos manalo sa Maynilad at Junior Powerade nitong Hu­webes.

Ang iba pang nasa last eight ng liga ay ang NLEX, PC Gilmore, Cebuana Lhuillier at Max Bond Super Glue na diretsong nakaabante nang malagay sa unang dalawang puwesto sa Group A at B.

Lumaban ang Ironmen at Cultivators sa insentibo sa Group B pero minalas silang matalo sa larong tutukoy sa top two ng grupo.

Ang tropa ni coach Lawrence Chongson nga ay yumukod sa Gems sa huling asignatura para makatabla sa ikalawang puwesto ang Sumos, 4-2. Pero ang huli ang umabante dahil nanalo sila sa Ironmen.

Pihadong lalabas ang husay uli ni Paul Lee bukod pa sa suportang gagawin nina Paul Sanga at Ken Acibar para makaiwas sa posibleng upset na dala ng Pharex.

Sina Sean Co, Alfred Gerilla at Raffy Reyes na­­man ang kakamada sa Cul­tivators laban sa Paci­fic Pipes na matapos manalo sa unang laro ay isang panalo lamang ang nahagip sa huling limang laro para malagay sa di magandang puwesto sa pagtatapos ng group classification.

vuukle comment

ALFRED GERILLA

ANG CULTIVATORS

BLACKWATER ELITE

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FREEGO JEANS

GROUP A

PACI

PHAREX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with