^

PSN Palaro

Concepcion may patutunayan

- Ni Angeline Tan -

Manila, Philippines - Kung taglay pa nito ang lakas at puso para ma­ging isang world champion ang sisilipin sa pagsampa ni Bernabe Concepcion la­ban kay Mexican Juan Car­los Martinez ngayon na gagawin sa Mandalay Bay Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Si Concepcion ay isang two-time WBO featherweight challenger pero hindi siya pinalad na magtagumpay na mapabilang sa hanay ng mga Filipino world champions.

Huling laban na sinu­ong ng 23-anyos tubong Virac, Catanduanes ay laban sa dating kampeon na si Juan Manuel Lopez sa Puerto Rico at nalasap ni Concepcion ang kauna-unahang KO kabiguan nang bumagsak siya sa ikalawang round.

Unang tangka niya sa nasabing titulo ay laban kay Steven Luevano noong 2009 pero na-disqualified si Concepcion sa laban dala ng pinakawalang ille­gal punch sa seventh round.

May ring record na 28-4-1, 15KO, si Concepcion ay kinuha na ni Manny Pacquiao at dinala pa sa US para magsanay sa Wild Card gym sa hanga­ring maibalik ang kanyang kon­disyon.

vuukle comment

BERNABE CONCEPCION

CONCEPCION

JUAN MANUEL LOPEZ

LAS VEGAS

MANDALAY BAY HOTEL AND CASINO

MEXICAN JUAN CAR

PUERTO RICO

SHY

SI CONCEPCION

STEVEN LUEVANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with