^

PSN Palaro

30-points ni Rose sinakyan ng Bulls sa panalo

-

CHICAGO-- Nagtala si Derrick Rose ng 30 points, 8 assists at 5 rebouds upang ihatid ang Chicago Bulls sa 97-81 paggupo sa Boston Celtics at makalapit sa top seed sa Eastern Con¬ference.

Ito ang pang 17th win ng Bulls sa huli nilang 19 ga¬mes na nag-angat sa ka¬nila sa Boston at Miami at bumigo sa Heat na mahablot ang No. 1 seed.

May ‘mathematical shot’ pa ang Celtics para sa top spot, ngunit masyado na itong maliit para agawin sa Bulls ang No. 1 berth.

Dinaig ni Rose si Boston point guard Rajon Rondo sa kanilang one-on-one mula sa kanyang mga crossover.

Umiskor si Rose ng 16 points sa first half para igiya ang Bulls sa 48-43 bago nakabangon ang Celtics sa third quarter.

Nagdagdag si Luol Deng ng 23 points para sa Chicago.

Sa Salt Lake City, umis¬kor si Gerald Wallace ng 29 puntos at nagdagdag naman si Nicolas Batum ng 21 puntos upoang pamunuan ang Portland Trail Blazers sa paghiya sa Utah Jazz, 98-87.

Isinalpak ni  Wallace  ang 20 puntos sa second half kung saan pinabagsak ng Blazers ang sinalanta ng injury na Jazz, na mayroon lamang siyam na manlalaro. Ang pagkatalo ng UTah ang nagtiyak sa kanila ng muling pagkakasibak sa ikalawang season sa nakalipas na 28-taon.

vuukle comment

BOSTON CELTICS

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

EASTERN CON

GERALD WALLACE

LUOL DENG

NICOLAS BATUM

PORTLAND TRAIL BLAZERS

RAJON RONDO

SA SALT LAKE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with