Nets sinilo ang Nuggets
NEWARK, New Jersey-- Ipinakita ng Nets kay Carmelo Anthony kung bakit dapat siyang maglaro sa New Jersey matapos talunin ang Denver Nuggets, 115-99.
Ito ang unang laro ng Nuggets ni Anthony at ng Nets ni team owner Mikhail Prokhorov matapos ihayag ng huli na hindi na nila hahabulin si Anthony.
Umiskor si Anthony ng 37 points para sa Nuggets, habang may 27 points naman si Brook Lopez at nagtala si Devin Harris ng career-high 18 assists para sa New Jersey.
Sa Miami, tinalo ng Miami Heat ang Cleveland Cavaliers, 117-90, para ipalasap sa huli ang pang 21st straight loss nito.
Humugot si Dwyane Wade ng 26 sa kanyang 34 points sa first half para sa Heat, habang nagdagdag si LeBron James ng 24 points at 8 assists laban sa Cavaliers.
Tumipa si Antawn Jamison ng 21 points at 10 rebounds para sa Cavaliers, nakabangon mula sa isang 19-point deficit para makadikit sa third quarter bago nagbida si James para sa Heat.
Sa Indianapolis, natikman ni Frank Vogel ang kanyang unang panalo bilang interim coach ng Indiana Pacers matapos talunin ang Toronto, 104-93.
Pinalitan ni Vogel si Jim O’Brien at ginamit nang husto si Roy Hibbert na gumawa ng 24 points at 11 rebounds.
- Latest
- Trending