^

PSN Palaro

Si Simon naman ang bida sa 2 sunod na ratsada ng Llamados

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon, muling pi­nakinang ni PJ Simon ang kanyang bituin.

Tumipa ng career-high 42 points, tinulungan ni Simon ang nagdedepensang Derby Ace sa 102-97 panalo kontra Air21 pa­ra sa kanilang ikalawang sunod na ratsada sa elimination round ng 2010-2011 PBA Phi­lippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Nagtala rin ang pambato ng Makilala, North Cotabato ng perpektong 11-for-11 shooting sa two-point range at 14-of-18 clip sa freethrow line para sa Llamados ni rookie coach Jorge Gallent.

“Ganoon talaga minsan. Sinusuwerte lang,” sambit ng 30-anyos na 2008 PBA All-Star Most Valuable Player. “Nagpapasalamat rin ako kay coach (Gallent) sa pagbibigay niya sa akin ng playing time.”

May 3-5 baraha ngayon ang Derby Ace kagaya ng Meralco at Air21 sa ilalim ng San Miguel (6-2), Talk ‘N Text (6-2), Ginebra (5-2), Rain or Shine (4-4) at Powerade (3-4) kasunod ang Barako Bull (2-5).

Bumangon ang Llama­dos mula sa isang 11-point deficit sa first period para agawin ang unahan sa half­time, 48-46, kontra Express tampok ang 19 points ni Simon.

Muling napasakamay ng Air21, nasa isang two-game losing skid ngayon, ang lamang sa 55-52 sa unahan ng third quarter bago ihulog ng Derby Ace ang isang 13-0 bomba para ilista ang isang 10-point lead, 65-55, sa 7:06 nito.

Humugot naman si No. 2 overall pick Rabeh Al-Hussaini ng 16 sa kanyang career-high 25 points sa final canto upang idikit ang Express sa 94-99 sa huling 42.4 segundo.

Derby Ace 102 - Simon 42, Yap J. 16, Maierhofer 9, Yap R. 9, Salvador 8, Gaco 7, Villanueva 7, Adducul 4, Allado 0.

Air 21 97 - Al-Husseini 25, Buenafe 14, Gonzales 12, Arboleda 12, Baclao 11, Urbiztondo 10, Matias 6, Quinahan 4, Rodriguez 3, Guevarra 0, Sharma 0.

Quarterscores: 16-27, 48-46, 75-70, 102-97.

ALL-STAR MOST VALUABLE PLAYER

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULL

DERBY ACE

JORGE GALLENT

N TEXT

NORTH COTABATO

RABEH AL-HUSSAINI

SAN MIGUEL

YAP J

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with